Skip to main content

Gusto mo ba ng Benteng Bulok?


Isa sa mga bagay na masarap tuwing Pasko pwera pa sa pagkain ay yu'ng makatanggap ka ng aguinaldo. Ow, pera. Ang sarap kaya makahawak ng pera, lalo na yu'ng MALUTONG at kaka-WITHDRAW sa ATM na parang fresh na fresh at ayaw mo'ng gastusin man lang. Hindi ba?

Kaya naman sobra akong naaasar kapagka sa tindahan ay bibili ka pagkatapos ay susuklian ka na MABAHONG BENTE, o di kaya naman ay PUNIT NA NAKA-SCOTCH TAPE na lang, o kaya naman yung halos itapon mo na dahil AKALA MO BASURA NA..


LUPA NG BURARA?
Napagisip-isip ko. Pera ang isa sa mga pinaka-pangunahing bagay na pinagpapaguran ng isang ordinaryong Pilipino. Ngunit bakit karamihan ng mga Pilipino ang walang pagpapahalaga sa anyo ng mga pera nila? Bakit ganun? Sigurado ako wala sa atin ang may gusto sa mabahong pera.  BUTI PA sa Amerika, Japan at sa mga iba pang bansa e kahit napagpasa-pasahan na ng sandaang tao eh maayos parin yung pera. Ganito na ba talaga sa Pilipinas, lupain ng mga burara?
How much is the Filipino worth ?
Sasabihin ng iba, "eh Amerika yun eh, Japan yun eh"
So what? Porke ba ang Pinas ay kabilang sa mga 3rd world countries ay dapat alisin na rin yung pagiging masinop sa pera?

IPASABATAS?
Isa siguro sa epektibong solusyon dito ay ang pagkakaroon ng batas na magre-regulate sa paggamit natin sa ating mga bills. Kung ako ang gagawa ng batas, papangalanan ko itong "Respect your Bill". he he. Pero ako po ay nananawagan sa inyng lahat. Ikaw na ayaw na  ayaw rin ng bulok na pera, pwede naman simulan sa'ting mga sarili. Ngayon kung wala talaga, kalampagin na natin ang ating mga kababayan. Kung gusto, i-share mo itong blog sa iba. Kung pwede nga, i-tag mo pa ang mga mambabatas. :)

Ayoko sa benteng bulok. Jusko lerd.

Popular posts from this blog

Iskolar ka ba?

Bilang isang hindi naman ganun kayaman na estudyante, humahanap ako ng mga paraan para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pa akong experience sa trabaho, kaya umaasa ako sa mga scholarships na karamihan ay nanggagaling sa mga  pulitiko . Kailangan lang na i-submit ang mga requirements on time, although minsan kailangan ay mataas ang grado. Sa mga experience ko sa pag-aapply sa mga scholarships, out of 3 scholarships na inapplyan ko, na-approve ako sa lahat ng iyon. Isa sa CHED, isa sa municipal scholarship at mula sa isang congressman sa lugar namin. Pero, kailangan ko lang pumili ng isa dahil hindi pwede ang dalawang scholarships at the same time but I won't talk about that.