Skip to main content

Iskolar ka ba?

Bilang isang hindi naman ganun kayaman na estudyante, humahanap ako ng mga paraan para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala pa akong experience sa trabaho, kaya umaasa ako sa mga scholarships na karamihan ay nanggagaling sa mga pulitiko. Kailangan lang na i-submit ang mga requirements on time, although minsan kailangan ay mataas ang grado.
Sa mga experience ko sa pag-aapply sa mga scholarships, out of 3 scholarships na inapplyan ko, na-approve ako sa lahat ng iyon. Isa sa CHED, isa sa municipal scholarship at mula sa isang congressman sa lugar namin. Pero, kailangan ko lang pumili ng isa dahil hindi pwede ang dalawang scholarships at the same time but I won't talk about that.


Isa sa mga requirements ng lahat ng ito ay ang Certificate of Indigency.
Let's define indigent. Being indigent simply means you're poor. Ibig sabihin ang kung indigent ka, ikaw o ang mga magulang mo, o maaring ang pamilya niyo ay walang sapat na income o walang pinagkukuhanan ng pera.

Pero may problema. This may seem a little matter to others pero naaasar ako ng todo sa kalakaran sa pabibigay ng certificate na ito. Hindi ko kase maintindihan kung bakit pati yung mga maykaya eh nabibigyan ng certificate of indigency na ito. Ganito yung case sa bayan namin. Hindi ko lang alam sa iba. Pero sigurado ako marami ring kaso ng ganito sa ibang lugar. It all boils down to the palakasan system, also known as kamag-anak system or backer

Nakakalungkot lang talaga, kasi kawawa, hindi lang ako, kundi pati yung ibang mga scholars na TUNAY na indigent at deserving, at kailangan pa nilang makipagsiksikan at pumila at mag-hintay ng mahabang oras para lang sa kakarampot na pera. Kung sana ang ginagawa ng lahat ng mga nagbibigay ng scholarship ay sinasala ng maigi at pinipili lang yung tunay na deserving, sigurado akong hindi masasayang ang kaban ng bayan.
Kase naman pulitiko eh, pati mga estudyante ginagamit ninyo sa mga agenda ninyo, tas sasabihin ninyo ‘oh ako marami akong natulungan, lalo na sa pag-aaral’ ; pwe. Puro kayo pa-pogi at pabango ng pangalan.


Jusko Lerd.

Popular posts from this blog

Summer Fun!

For my first post here in my personal blog, I'll be sharing some shots from our city escapes. Hope this year's summer getaway would be twice as much fun as before. But anyway, enjoy the pics (I hope you will!) Hashtag GOINGPLACES!

Captured on Huawei P40

 I just wanted to share some photos that I took using my phone. I currently own a Huawei P40 (not the pro and it takes really great photos for any scene.  A withering rose with its petals bugged While I was not able to capture the sun itself, I was able to capture the beauty that it made as its rays touched the rolling clouds, giving a majestic hue. Some random flower in our yard. Mt Arayat on a gloomy fine day. Huawei P40 5G Key specs: Kirin 990 5G SoC 8GB RAM/128ROM 8MP Telephoto Camera - 1/1.28 inch Sensor 32MP Dual Front Camera Ultra Vision Sensor

Gusto mo ba ng Benteng Bulok?

Isa sa mga bagay na masarap tuwing Pasko pwera pa sa pagkain ay yu'ng makatanggap ka ng aguinaldo. Ow, pera . Ang sarap kaya makahawak ng pera, lalo na yu'ng MALUTONG at kaka-WITHDRAW sa ATM na parang fresh na fresh at ayaw mo'ng gastusin man lang. Hindi ba? Kaya naman sobra akong naaasar kapagka sa tindahan ay bibili ka pagkatapos ay susuklian ka na MABAHONG BENTE, o di kaya naman ay PUNIT NA NAKA-SCOTCH TAPE na lang, o kaya naman yung halos itapon mo na dahil AKALA MO BASURA NA..