Isa sa mga bagay na masarap tuwing Pasko pwera pa sa pagkain ay yu'ng makatanggap ka ng aguinaldo. Ow, pera . Ang sarap kaya makahawak ng pera, lalo na yu'ng MALUTONG at kaka-WITHDRAW sa ATM na parang fresh na fresh at ayaw mo'ng gastusin man lang. Hindi ba? Kaya naman sobra akong naaasar kapagka sa tindahan ay bibili ka pagkatapos ay susuklian ka na MABAHONG BENTE, o di kaya naman ay PUNIT NA NAKA-SCOTCH TAPE na lang, o kaya naman yung halos itapon mo na dahil AKALA MO BASURA NA..